Saturday, June 12, 2010

LAME

Sunday, May 30, 2010

12:03 AM


Would you believe me if I say, I broke up with him just a while ago through the phone? LAMEEE. Dumb. I don't know why? Siguro, I have my reasons naman but I don't think they're good enough to break a 5-year old relationship. Alam ko namang hindi kami magbbreak. Not because of that. Hello naman! Masyado ko siyang mahal para iwan ng ganun ganun na lang! Parang lahat ng bagay kaya kong tiisin para sa kanya. Siguro ano lang.. Masyado lang akong, dramatic? Eh para kasing. Diba nga sabi ko kagabi nawawalan na ko ng gana sa kanya parang hindi ko na siya mahal. Naiinitindihan ko naman yung sarili ko. Syempre, normal lang naman na paminsan minsan, eh maramdaman ko yung mga ganung feeling. Siya din naman siguro, paminsan minsan. Syempre kasi hindi naman every single day masaya kayo at inlove. Pero sigurado akong every single day, mahal namin ang isa't-isa. Pero sa tinign mo ba sapat na yun?

Mahal na mahal ko siya at gusto ko siya. Pero ang arte ko, nakipag break ako. Kahit na alam kong hindi naman yun magtatagal, may impact padin. Ay ewan. Itong mga 'to nasasabi ko lang sa side ko. I don't know with him. Baka wala lang naman pala sa kanya. Baka mas gusto pa niya.. Alam mo yun? Isa ding factor kaya ko sinabi na break na kami, eh yung reaction niya after ko sabihin. Dahil sa masyado ko siyang mahal, gusto kong malaman kung affected ba siya or what. Feeling ko naman, affected siya. Hindi ko lang alam kung GAANO siya ka affected. Ayoko namang masaktan siya pero kung nasasaktan siya, edi magbabalikan na kami. Kikiligin lang ako nun lalo. Tska hindi ko naman siya matiis. Kapag ganito, mas lalo ko lang siyang naiisip. Siguro nga tama lang yung ginawa ko. Kasi parang nawawala na yung spirit eh. Parang nawawala na yung.. Yung.. Aroma ng love ko sa kanya. Medyo hindi ko na naffeel these past days. Pero ngayon, feel na feel ko na ulit eh. Hahahaaha! Pero maghihintay muna ako ng resulta. Hindi ko alam, baka mamaya, kailangan din pala niya nito. Nakakalungkot pag ganon pero okay lang. Hindi naman siguro masyadong magiging masakit kasi alam kong hinihingi ng pagkakataon. Baka pareho naming kailangan. OH? Pero siya ang kailangan ko! HAHAHAH! Bahala na kung anong mangyayari, basta ang alam ko, ikakasal ako sa kanya. Wala ng iba… Maayos namin 'to. May tiwala ako sa'min. :) Sabi pa niya kanina okay lang daw kasi napapansin niya parang wala na din namang nangyayari. Medyo na move ako dun kahit alam kong sinabi niya lang yun dahil literal lang na ganun. Bakit ano bang dapat mangyari? Kapag nagkita kami, ano bang gagawin? Physically together. Yun lang ang kaibahan. Pero kahit kailan naman, sa limang taon naming magkasama, mas maraming araw siguro na hindi kami magkasama, pero hinding hindi ko naramdaman na magkalayo kami. Namimiss ko siya physically. Pero yung presence niya sa araw-araw na buhay ko, sobrang feel na feel ko. Ewan ko ba, love is really amazing. The word magic is for love alone. Yung walang explanation kung bakit ganon. Basta ganon lang siya. Hindi ko alam. Mahal ko siya. At mahal ko siya, hindi ko alam kung bakit? Kaya nga kahit hindi kami nagkikita hindi nagbabago yung pagmamahal ko sa kanya. Kasi love nga eh. It hopes, it believes, it trusts, it endures, it waits. Maybe he doesn't know how he makes me happy every day in my life.

Hay nako Reinnier Sanchez. Ang pag-ibig nga naman! Ano't ano pa man eh, ikaw talaga ang sinisigaw ng puso ko. :)))))))))))))) Hindi ka lang madrama. Hindi mo ma feel yung gusto ko sana nafefeel mo sa mga sinasabi ko. Pero hayaan mo na.

BAKIT BA KO NAKIPAG BREAK?

Kasi UNREASONABLE. Ayoko nalang. Hahaha! Hindi ko kasi maipaliwanag eh. Siguro, gusto ko lang ng break. Yun lang. Medyo kasi hindi ko na siya nararamdaman. Pwede na ba yun? Parang nakukulangan ako sa kanya. Ganun. Pero no doubt, I love him.

Ironic eh? Mas mahal ko siya, pero ako lagi yung nakikipag break.

MAS MAHAL? Hindi nga pala ganun yun. Walang mas o higit na nagmamahal sa isang relasyon. Magkaiba lang kayo ng paraan ng pagmamahal. <-- Very well expressed. Source: You changed my life <)

It's June 6 - 1:15AM -> I reread this. And wow. Hahaha! I CAN’T IMAGINE HOW LOVE CHANGED ME. THE WAY I THINK, THE WAY I REASON OUT, THE WAY I ACT AND THE WAY I PERCEIVE THINGS. IT MADE ME BECOME A BETTER PERSON. AND I THINK I'VE REALLY GROWN-UP (not literally)! :))

Anyway, Sa tingin mo gano katagal tumagal yang break na sinabi ko? Isang araw.:| First of all, hindi ako papansin at nakipag break dahil gusto ko ng thrill! I came up with that decision dahil feeling ko kailangan ko. At kailangan ko naman talaga but one day break was enough. That's why it is called BREAK!! I think it's different from a BREAK-UP? And I didn't say BREAK with the UP! Wait, (scrolls up) Sorry I said it pala. Uh. Do I make sense? I don't care. :)) And I'm not so sure. Basta we love each other. END OF STORY! Dramas are allowed :|

No comments:

Post a Comment