Wednesday, May 19, 2010
9:01 PM
I just realized I want to write, freely. What would I say when I read this after five years??
Bata palang ako mahilig na 'kong magdiary! At good thing naitago ko silang lahat. Magmula sa mga notebooks na yun simula nung elementary, hanggang sa desktop computer namin sa MS Word, hanggang sa laptop na 'to sa OneNote. Siguro, mahilig nga talaga akong magsulat. Ewan ko kung matatawag kong kahiligan yun sa pagsusulat. Baka kasi pinipilit ko na naman! Hahaha! Ayokong magkunwari naman sa sarili ko. Pero sa tingin ko, siguro, pwede.. Kahiligan sa pagsulat at kahiligan sa pag sheshare ng mga nasa isip ko. Eh bakit kelangan sa mga bagay ko ilagay o sabihin yung mga nasa isip ko? Bakit, wala ba akong kaibigan?? Hahahaha! Hindi naman siguro sa ganon. Sige nga! Ikaw nga, sabihin mo lahat ng naiisip mo sa kaibigan mong tao, kung di ba naman siya mairita sayo at baka matawag ka pang freak! (Time first! Nainis kasi ako kay Patrick, PBB Teen 2010! Lumalandi sa loob, eh may girlfriend!) Hindi ko lang alam kung bakit sa mga simpleng bagay na naiisip ko, o pag pakiramdam ko may naiisip akong kakaiba, feel na feel kong magsulat/magshare. Siguro kasi din, mahilig akong mag reminisce! Hahahaha! Basta! Madami akong gustong sabihin! Madami sinasabi yung isip ko sa sarili ko. At sa tingin ko, naoorganize ko lahat ng naiisip ko na yun sa pamamagitan ng pagsulat. Katulad nito. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nagbukas ng laptop at nagsulat bigla.. At habang sinusulat ko yung mga nasa isip ko, padami ng padami at palawak pa ng palawak yung mga pumapasok sa isip ko na related din sa mga naiisip ko. Hahaha! Siguro mind is great. That explains it. Siguro ganito kagaling ang isip ng tao, NAKAKA AMAZE! Ang daming alam! Eh, mas magaling naman Yung may gawa ng isip. Gaano pa Siya kagaling? Walang makaka imagine. WALA!
COCOMARTIN AND ALBERTMARTINEZ, PAGSUSULAT, DIARIES OF OLD MEMORIES (who WAS Joanne?) AND SOME OTHER STORIES THAT WILL COME OUT WITH THESE… :)))
Ang hirap mag organize ng thoughts! Hahahaha! Sorrry. I really, really, really want to write about the topics above! I want to see what's my say with those.. Kasi interesting at… I don't know? I just want to say what's my say.
CocoMartin and AlbertMartinez! Sorry ah. Crush ko sila. I know right?? Matanda na si Albert Martinez at hindi naman ganun kagwapo si Coco Martin. Pero gusto ko sila! EEEEHHHHH! Nanonood kasi ako (kanina, kasi Rubi na ngayon) ng ano ba yun.. Kung tayo'y magkakalayo? Eh main casts dun silang dalawa tapos mag ama pa sila tapos… aaaaahhhh! Hahahahaha! Ewan ko ba. Ganun ang type kong lalaki, feeling ko. Haha! Attracted ako sa mga "suplado type" na lalaki. And yung, parang pa bad boy ganun. Eewwee Nakokornihan ako sa mga pinagsasabi ko! Hahaha! I don't know how to describe eeeh. Basta, mga ganung tipo. Pero hindi rin eh kasi minsan iba iba rin. Hahaha! Ang dami kong crush pero kaya nga crush. There's just certain thing about him that you like. Katulad ni Chito Miranda. Crush ko siya kasi gusto ko siyang kumanta. Marami pa kong mga ganun. Yung tipong pang isang araw lang na crush. Kaya nga kasi crush diba? Sa totoo lang, si Coco Martin, hindi ko lang siya like, gusto ko siya! Hahaha! Hindi ko alam kung bakit. Pero si bebe ko, hindi ko siya crush. Wala akong gusto sa kanya, pero mahal ko siya. Mahal na mahal. Minsan, crush ko din siya, syempre, attracted din ako sakanya. At may mga times na super gustong gusto ko siya! Pero may isang hindi nagbabago sa araw-araw, MAHAL KO SIYA kahit kapag nagaaway kami at inis na inis ako sakanya, kahit minsan may mga bagay na ayoko sa kanya. Siguro yun
na nga ang tinatawag na unconditional love.
Actually, wala talaga akong ganang mag sulat/type ngayon. Nagpapaantok lang. Kasi tinuloy ko lang 'to. May21 na ngayon at birthday ni Egy. Hindi ako pumunta. Kasi sigurado namang hindi ako papayagan. Hello? Pampanga, overnight.
Dahil nga ibang araw na ngayon, medyo naiba narin yung interes ko sa mga topic na gusto kong isulat para mabasa ko mismo kung anong mga naiisip ko. Sa ngayon, ang nasa isip ko, "I REALLY LOVE TO PERFORM" nanood kasi ako ng PBB kanina at nag perform yung dalawang magka-clash na grupo. Namiss ko tuloy mag perform. Like, play, theater.. Feeling ko kasi sa sarili ko talented ako. At sa tinign ko hindi ko pinipilit lang na talented ako. Eh bat ko naman pipilitin, edi niloko ko ang sarili ko dahil wala namang ibang makakabasa nito kundi ako. Bakit ko pa yayabangan ang sarili ko diba? Haha! Yun nga. Hindi naman sa talagang talented as in maraming alam gawin ng MAHUSAY. Hindi naman sa ganon kahusay. Sa tingin ko lang, marami akong kaya. Almost, kahit ano. Ewan ko ba. O siguro nagagawa ko dahil gusto ko yung ganon. Iba kasi talaga kapag mahal mo yung ginagawa mo. O ayan! May naiisip na naman akong hindi masyadong maganda. Alam mo na. May kinalaman syempre sa kursong journalism. Alam mo, mahilig naman talaga akong magsulat eh, obvious ba. Pero sabi ko nga sayo,, anu ba yan! Ayoko na ngang problemahin. Tama na nga eh. Okay na 'to.
Iba na 'tong topic na 'to. Tungkol naman sa klase ng pagsusulat ko, then and now. Actually, hindi naman talaga ibang topic. Syempre, lahat 'to magkakadugtong. Nabubuhayan na ulit kasi yung isip ko, dumadaldal na naman. Napaka raming gustong sabihin. Feeling niya eh, kaya kong irecord lahat dito lahat ng sinsabi niya. Anyway, bakasyon ngayon. At alam mo ba, halos 4 na ng umaga ako lagi nakakatulog. Katulad ngayon, 12:10 am palang, hindi pa ko inaantok kaya nag-iisip ako ng pwede kong gawing libangan para may magawa naman. At napili ko ngang magsulat. Pero hindi araw-araw. Ngayon lang. Minsan at kadalasan, inuubos ko ang oras sa pag-iisip at pag iimagine. Alam mo, kung ibang tao ako, makacrushan ko yung sarili ko. Ayy? Parang off topic naman yung sinabi ko. At yun nga! Kasi nitong mga nakaraang araw, nahihilig ako sa pagkakalikot ng mga lumang bagay na naitago ko pa. Kasi ang sarap nga naman mag reminisce. Eh, nakita ko yung mga notebooks ko na diary ko dati. Pari rin yung ilang sinulat ko sa MS Word 2003 sa computer namin tska yung most recent na OLD notebook nadin na mga sms memories naman pero hindi kasi yun diary. Parang kung kelan ko lang maisipan katulad nito tska different topics din. Pero halos lahat tungkol sa bebe ko. Nakakadala yung nung nagbreak kami. Makikita mo talaga yung sincerity sa mga sinusulat ko nun. May puso kahit pa medyo nakakairita yung style ng pagsulat. Simula kasi nung nadiscover ko 'to, hindi na ko nagsusulat sa notebook. Kung ano anong tapic yung parang naging theme nitong digital notebook ko. Wala ng personal experiences. Kaya nung nabasa ko yun, naisip kong gumawa ng parang anything under the sun.. Basta yung totoo lang. Yung natural lang. Walang arte o kung anu man. Yung diretso galing sa isip. Kaya nga Tagalog. Hindi ko naman sinasabi na plastik yung iba kong sinulat dito. Syempre with feelings din yun. Hindi ko naman maisusulat kung walang damdamin at hindi galing sa puso. Sa tingin ko lang, better yung ganito. Pero hindi ko din maicocompare kasi magkaiba naman yung scope. Siguro lang, dapat hindi ko alisin yung ganitong style. Hindi porket nag level up na, (you know what I mean) eh iiwan na yung nakagisnang gawi. Yun lang naman. At isa pa, mas masarap magkwento kapag natural yung pagkakagamit ng mga salita. Tignan mo nga, mas mahaba ang mga nagagawa ko pag Tagalog. Syempre, Pilipino ako. At grabe ha! Inlove na inlove na ako sa pagiging Pilipino. At sa tingin ko rin, mas tumalino talaga ako ngayon (literally. Information). Sobrang daming natutunan. Thanks to UST, AB!! I belong. :)
YUN. SA TINGIN KO, WALA NA KONG MAIDUDUGTONG PA. I SCROLLED UP AND LOOKED IF I MISSED SOMETHING. Dun sa mga topics sa taas. Kasi after that smiley, tapos na eh. Parang na satisfy na ako. Yun nga! Okay na lahat ng gusto ko sabihin. I THINK I'VE SAID IT ALL. GOODNIGHT! :-*
No comments:
Post a Comment