Tuesday, May 04, 2010
11:39 PM
UNA SA LAHAT, HINDI ITO MADRAMA.
"II-MAHOGANY" ANG SABI NG PUTING PAPEL NA NAKA PASKIL SA GYM NG SOUTHERNSIDE MONTESSORI SCHOOL BAGO MAG PASUKAN NOONG YEAR 2005.
II-MAHOGANY AKO.
FIRST TIME KONG MAG TRANSFER NG ESKWELAHAN. AT MASAMA PA ANG LOOB KO DAHIL KUNG HINDI DAHIL SA BAGONG PATAKARAN NA PINATUPAD NG ESKWELAHANG PINANGGALINGAN KO, HINDI SANA AKO KINAKABAHAN SA UNANG ARAW KO SA 2ND YEAR.
PUMASOK AKO SA ROOM 301 NG MT. APO BUILDING. PAG PASOK KO, GUSTO KO NG LUMABAS, UMUWI AT UMIYAK. BAGONG BAGO ANG LAHAT SA AKIN. MASAYANG MASAYA YUNG IBA KONG MGA KAKLASE LALO NA YUNG GRUPO NG MGA LALAKI DOON NA SOBRANG GULO. AT AKO, :l
WALA AKONG KAALAM-ALAM NA SA KLASENG 'YON KO PALA MAKILALA ANG LALAKING PAPAKASALAN KO…….
JUNE 15, 2005
~ Naka blue na t-shirt ka non at naka UNIFORM ako. Sa totoo lang, ang angas ng dating mo! Ang gulo gulo niyo nila Archie at Alon. Parang kayo lang ang mga tao sa room! Edi kayo na ngang sikat. Naririnig ko pa na parang nagpapayabangan kayo ng bag. HAHAHAHAHA. Natakot pa nga ako nung lumapit si Alon tapos hinihingi yung number ko. At Binigay ko naman. Nakakahiya namang magmaganda eh. HAHAHAHA.
~ Hindi ko gusto ang ugali mo non. Dahil hindi pa nga kita kilala. Ang alam ko lang sayo, papansin, magulo, mayabang at walang alam. PERO NAGKAMALI AKO. Magaling ka pala at paborito ka ng mga teachers lalo na sa MATH!!!!!!! Alam mo ba yung kay maam Bucalbos? Team game yun tapos kayo yung nanalo kasi sagot ka ng sagot. Tapos nainis ako sayo kasi parang nagagalingan mo ako! Eh nainis pa naman ako nung nag class officer election at IKAW ANG NAGING VICE PRESIDENT AT AKO, SECRETARY LANG.
~ Lumipas ang mga araw, at MAY NAGTEXT!!!! "Pwede ba kitang ligawan!?" by unknown number. At talagang "!?" ganyan ang punctuation marks! Hindi ko alam kung bakit pero nagload pa ako non para itanong kung sino! HAHAHAHAHAHA tapos sabi mo si Reinnier Sanchez. Hindi ako naniwala.
~ Hindi talaga tayo close non at hindi tayo nag uusap. Pero bago mag flag ceremony nung kinaumagahan pag tapos ko nabasa yung text na yunnilapitan kita at tinanong. "Uy, ikaw ba yung nagtext kagabi?" Parang ayaw mo ng magsalita AT NATATAWA AKO NGAYON HABANG NAALALA KO!!! HAHAHAHA tapos ayun nga. Sabi mo, oo tapos umalis ka na agad , dahil ibang klase kang manligaw. Bawal magsalita. HAHAHAHA
~ May mga nagsasabi pa sakin non na wag kitang sasagutin dahil lolokohin mo lang ako. At buti nalang hindi ako naniwala! HAHAHAHA
~ Lumipas ang mga araw at palagi kang nagpapadala ng mga love quotes at tumatawag sa telepono para tanungin lang kung anong ginagawa ko! Tapos binababa mo na agad. TSSSSSSK. Pano ba naman ako maiinlove sayo niyan??
~ Pag high school, uso yung pagtatanong ng "ano? Seryoso ka ba talaga sakin?" HAHAHAHA! At syempre, oo ang isinasagot mo kapag tinatanong kita ng ganyan.
~ Birthday mo na bukas! Naririnig ko nag-aaya ka ng mga kaibigan mo. Punta daw sila sa bahay niyo. Sabi mo sakin, wag akong mawawala sa birthday mo.
~ August 17, 2005. Wala talaga akong kabalak balak na pumunta sa birthday mo kasi ma O.O.P lang ako dun. Uwian na nun. Tatakasan dapat kita kaya lang nakita mo ako. Dahil nahihiya ka sakin, mga kaibigan mo ang nakapag pa "oo" sakin na sumama. Nakakahiyang tumanggi. Wala na akong nagawa. Salamat sa mga kaibigan mong sina Rig, Vitto, Alon, Archie at Mico.
~ NASA TRICYCLE TAYO PAPUNTA SA INYO. NAHIHIYA AKO SAYO KASI FIRST TIME NATING MAGTABI. At ngayon lang ako kinilig habang inaalala ko! Hahahaha! AT YUN NGA, MAY TINANONG KA SAKIN. HABANG TINATANONG MO, BIGLANG UMULAN AT PABABA YUNG TRICYCLE. SO, MAINGAY. ANG SABI MO PALA, "pwede na ba kitang maging girlfriend?" ANG RINIG KO… "pwede ba kitang maging ring BERER" HAHAHAHA sabi ko tuloy. "EWAN KO." HAHAHA sorrryyyyyyy naaaaa…. :)))))))
~ Nasa bahay niyo na tayo. Nagulat ako dahil kilala na ako ng pamilya mo. NGAYON LANG DIN AKO NATOUCH HABANG NAAALALA KO. Pero siguro hindi yun ka touch touch dahil sadyang madaldal ka lang talaga at panay ka kwento. So, ayun kumain tayo. Tapos hindi ako uminom kasi HINDI MO KO NABIGYAN NG BASO! AT NAHIHIYA AKONG MAGSABE! Ito siguro ang hindi mo pa alam. Hahahaha!
~ Tapos na ang kainan at nasa terrace tayo. May tugtog, Crazy For You by Sponge Cola! Na theme song natin kamo! HAHAHAHAHA! Pinipilit nila akong pasagutin na non pero ayoko pa talagang magka boyfriend. Pero nahihiya ako sayo! Nagsisi tuloy ako kung bakit pinaabot ko pa sa ganon kung di naman kita sasagutin. Pero nangari yun. At siguro, dapat talagang mangyari. Hindi ko din alam kung bakit sa mga lalaking nagkagusto sakin non, YEEEESSSSSSSSSS!!!! Ikaw lang ang binigyan ko ng pansin. Siguro noon palang, kahit hindi pa kita gusto, alam na ng puso ko na mamahalin kita. :)
PAG TAPOS NON, ITO NA TAYO. HINDI KO ALAM KUNG BAKIT PARANG ANG BILIS. HINDI KO NAMALAYAN. LIMANG TAON NA PALA ANG LUMIPAS. AT SA LIMANG TAON NA YUN, MARAMING PAGBABAGONG NANGYARI SA BUHAY KO. MARAMI NA TAYONG PINAG DAANAN AT KARAMIHAN SA MGA 'YON AY HINDI SIMPLE LANG. PERO DAHIL TOTOO ANG PAGMAMAHAL NATIN SA ISA'T-ISA, NALAMPASAN NATIN LAHAT YUN. ALAM KO MGA BATA PA TAYO AT MARAMI PANG PROBLEMANG DARATING, SABI MO NGA. PERO DAHIL SA'YO, NAPATUNAYAN KO NA ANG PAG-IBIG AY TUNAY NA DAKILA. MASASABI KONG TUMANDA NA AKO. HINDI LANG DAHIL SA MGA TAONG LUMIPAS KUNDI DAHIL DIN SA MGA ARAL NA TINURO SA 'KIN NG BUHAY NUNG DUMATING KA. MASAYANG MA-INLOVE PERO HINDI MADALI. LALO NA KAPAG UNCONDITIONAL LOVE NA ITO. MARAMING BESES KANG KAILANGAN MAG SAKRIPISYO. PIPILITIN MONG INTINDIHIN ANG MGA BAGAY NA MINSAN SADYANG MAHIRAP INTINDIHIN, MARAMING BESES NA KAILANGAN MONG MAGPAKABABA AT PAMINSAN MINSAN, GAGAWIN KA NITONG TANGA. PERO SA BANDANG HULI, HINDI KA MAGSISISI DAHIL MAREREALIZE MONG, IKAW ANG PANALO DAHIL IKAW ANG NATUTO.
OO, MAGKAIBA TAYO. HINDI TAYO NAGKAKASUNDO SA MARAMING BAGAY. PERO MAY ISANG BAGAY NA SIGURADO, MAHAL NATIN ANG ISA'T ISA. AT SA TINGIN KO, SAPAT NA YUN PARA SA HABANG BUHAY. SA DAMI NG PINAGSAMAHAN NATIN, SA LAHAT NG MASASAYA AT MALULUNGKOT NA ARAW, NI ISANG PANGYAYARI SA BUHAY KO SIMULA NUNG NAKILALA KITA, WALA AKONG PINAGSISIHAN. MARAMING MGA BAGAY NA ANG SUMUBOK SA PAGMAMAHALAN NATIN, PERO NANATILI PARIN TAYONG MAGKAHAWAK KAMAY.
Nung una, hindi ko na talaga inasahan na mag wowork ang relasyon natin dahil una sa lahat, hindi kita kaibigan. Pero masyadong mahiwaga ang buhay. Ang totoo lang naman sa mundo ay, hindi natin alam kung ano ang mangyayari mamaya. Ngayon, masaya ako dahil ang boyfriend ko ay yung pinaka malapit na tao sa buhay ko. At napaka swerte ko dahil sayo ako ibinigay ni Lord. Ayoko ng isa isahin kung bakit dahil baka mag feeling ka nanaman. Pero seryoso, gusto kong malaman mo, maswerte ako sayo. At siguro alam mo na yun. PERO GUSTO KONG MALAMAN MO DIN NA MAS MASWERTE KA PADIN SAKEN KAHIT KUMAIN KA PA NG SAMPUNG PRITONG PALAKA.
Hindi na mahalaga kung ano pang sasabihin ng iba. MASAYA TAYO AT WALA NG IBA. Ang mahalaga, kilala natin ang isa't isa at mahal kita. Mahaba pa ang itatakbo ng panahon. Kung ikukumpara mo ang limang taon sa habang buhay, wala pa yun sa tuldok. Kaya sa totoo lang, hindi pa tayo matagal kung ang goal natin ay yung habang buhay. Pero wala naman tayong alam. Hindi natin alam kung mag sstraight forever na tayo o baka sa susunod na buwan, magbreak na tayo. Kung hindi man tayo para sa isa't-isa, wala akong pakialam. Basta ang alam ko, totoo tayo. At hindi tayo nangyari para mangyari lang. Nangyari tayo dahil dapat. :))At kung hindi man tayo ang magkatuluyan, tatlo ang sigurado, invited ka sa kasal ko at ninong ka ng lahat ng anak ko at kabit kita.
~ Dito na nagtatapos. Walang ending. Dahil ang love story natin, wala talagang ending! :))))
Ayoko ng magsulat dahil distracted na ang flow of ideas ko. HAHAHAHAHAHA
SA TOTOO LANG, HINDI KO ALAM KUNG BAKIT KO GINAWA 'TO. HAHAHA. ALAM KONG ALAM MO NA 'TO LAHAT PERO GUSTO KO MAY KOPYA AKO PARA PAG TANDA NATIN, IPAPABASA NATIN SA MGA APO NATIN. HAHAHAHA. AT SA TOTOO LANG DIN, GINAWA KO LANG 'TO PARA ANTUKIN AT NGAYONG INAANTOK NA KO, ITITIGIL KO NA. HAHAHAHA! HULAAN KO, HINDI MO TALAGA LAHAT 'TO BINASA. OSIGE NA. GOODNIGHT. I LOVE YOU. KIIIIIIIIISSSSSSSSSSSS :-*
TIME ENDED: 1:49AM
No comments:
Post a Comment