Thursday, June 17, 2010

JUNE16

Wednesday, June 16, 2010

7:03 AM


Okay. Then third year begins here..

I hate it when I count the number of hours I slept and find out that I got only 3 or 4. AWFUL. I don't know why is it always like this? Or why am I always like this? I don't know where I get that sleeping problem. But I'm pretty sure, IT SHOULD BE GIVEN THE ATTENTION NOW. It's not just a simple sleeping problem, I think. And I don’t want to bring it 'til my working life! It's 7AM. I slept 4AM.

I don't how this third year will start. One is for sure. I'll be busy. Plus I won't get to see you that often. I mean YOU literally (the blog).

I'M LIKE DROOLING IN MY DREAMS.. I TOTALLY FEEL LIKE A ZOMBIE BUT CAN'T SLEEP ANY LONGER.. That's why I talked to you.

Anyway, yesterday was a very FUN DAY! Yes, literally. Because I'm with my dorm mates again. You know, the crazy little things we do like mentally ill idiots. AND WE DON'T CARE. WE'RE HAVING FUN! AND I MISSED LAGUHING WITH THEM SOOOO OUT LOUD.


Goodluck to school, by the way.


ENDS HERE..

Saturday, June 12, 2010

Inspired by D.S

Monday, June 07, 2010

2:34 AM


Look! I made this one long, long time ago! Joke :) 2 years ago, I guess? And I was inspired by Danielle Steel. I used to read lots of her novels during my first semestral break in college and I find it really great! I wanna be like her and the other novelists! Hahahaha! At least I'm aspiring. Here's the first two paragraph of the said "Joanne's first novel" HAHAHAHA

It was one of those calm afternoons of August as Jessica Flores sat at a limousine heading to Manila Cathedral. She was wearing a white long gown which she paired with dazzling glass sandals and a medium sized veil attached on her hairdo covering her face. She was wearing a white pearl earrings and the makeup she was wearing made her more beautiful than ever. She looked simple as she was but appeared to be much more elegant and sophisticated. It was the most important event of her life that she has been waiting for years. And now, the day had come, her wedding day. She was feeling anxious and excited and overwhelmed as the limousine stopped and reached the church. She got out of the car with her best smile. She knew from her heart of hearts that after this day, her life would never be the same as it was before because she will no longer live her life alone but would share it to the man she loved for so many years, to the one whom she was destined for, and to the man of her life, Raphael Samson.

She was holding a bouquet as she walked through the aisle scattered with lovely flowers with her father on the right. She almost felt as though her heart will come out of her when her eyes met Raphael’s, which at that time, were as teary as hers. You can see in her face as she walked passing through the people who loved them the happiness she felt for that event of her life. She thought of all the sweet moments she had shared with Rafi as well as the bitter ones. Those were the things she never regretted because she knew that those memories were the ones which led them to where they were now. She was always grateful, what a long journey they have traveled.

Pasted from file:///C:\Documents%20and%20Settings\joanne\My%20Documents\JoAnNE_17\love%20story.doc

This is what I love in OneNote, it acknowledges the source. Hahahaha! Anyway, I want this story to be like our story in a way but not totally. I will just want some similarities and differences but the pattern is same. The difference of the story from the reality is that it has an ending while reality, as it seem to be, doesn't have an ending. Here in this story, the story ends with the beginning. Hahaha it's kinda like, vague but actually not. It's just not arranged chronologically coz I don't want one like that. It's boring. So, here the story ends with the wedding which is also the beginning but in reality, if we'll get married, our wedding will just be the beginning. Okay I don't understand myself. HAHAHA! It's 2:47am.


THIS IS A TOTAL CRAP. ISN'T IT?

LAME

Sunday, May 30, 2010

12:03 AM


Would you believe me if I say, I broke up with him just a while ago through the phone? LAMEEE. Dumb. I don't know why? Siguro, I have my reasons naman but I don't think they're good enough to break a 5-year old relationship. Alam ko namang hindi kami magbbreak. Not because of that. Hello naman! Masyado ko siyang mahal para iwan ng ganun ganun na lang! Parang lahat ng bagay kaya kong tiisin para sa kanya. Siguro ano lang.. Masyado lang akong, dramatic? Eh para kasing. Diba nga sabi ko kagabi nawawalan na ko ng gana sa kanya parang hindi ko na siya mahal. Naiinitindihan ko naman yung sarili ko. Syempre, normal lang naman na paminsan minsan, eh maramdaman ko yung mga ganung feeling. Siya din naman siguro, paminsan minsan. Syempre kasi hindi naman every single day masaya kayo at inlove. Pero sigurado akong every single day, mahal namin ang isa't-isa. Pero sa tinign mo ba sapat na yun?

Mahal na mahal ko siya at gusto ko siya. Pero ang arte ko, nakipag break ako. Kahit na alam kong hindi naman yun magtatagal, may impact padin. Ay ewan. Itong mga 'to nasasabi ko lang sa side ko. I don't know with him. Baka wala lang naman pala sa kanya. Baka mas gusto pa niya.. Alam mo yun? Isa ding factor kaya ko sinabi na break na kami, eh yung reaction niya after ko sabihin. Dahil sa masyado ko siyang mahal, gusto kong malaman kung affected ba siya or what. Feeling ko naman, affected siya. Hindi ko lang alam kung GAANO siya ka affected. Ayoko namang masaktan siya pero kung nasasaktan siya, edi magbabalikan na kami. Kikiligin lang ako nun lalo. Tska hindi ko naman siya matiis. Kapag ganito, mas lalo ko lang siyang naiisip. Siguro nga tama lang yung ginawa ko. Kasi parang nawawala na yung spirit eh. Parang nawawala na yung.. Yung.. Aroma ng love ko sa kanya. Medyo hindi ko na naffeel these past days. Pero ngayon, feel na feel ko na ulit eh. Hahahaaha! Pero maghihintay muna ako ng resulta. Hindi ko alam, baka mamaya, kailangan din pala niya nito. Nakakalungkot pag ganon pero okay lang. Hindi naman siguro masyadong magiging masakit kasi alam kong hinihingi ng pagkakataon. Baka pareho naming kailangan. OH? Pero siya ang kailangan ko! HAHAHAH! Bahala na kung anong mangyayari, basta ang alam ko, ikakasal ako sa kanya. Wala ng iba… Maayos namin 'to. May tiwala ako sa'min. :) Sabi pa niya kanina okay lang daw kasi napapansin niya parang wala na din namang nangyayari. Medyo na move ako dun kahit alam kong sinabi niya lang yun dahil literal lang na ganun. Bakit ano bang dapat mangyari? Kapag nagkita kami, ano bang gagawin? Physically together. Yun lang ang kaibahan. Pero kahit kailan naman, sa limang taon naming magkasama, mas maraming araw siguro na hindi kami magkasama, pero hinding hindi ko naramdaman na magkalayo kami. Namimiss ko siya physically. Pero yung presence niya sa araw-araw na buhay ko, sobrang feel na feel ko. Ewan ko ba, love is really amazing. The word magic is for love alone. Yung walang explanation kung bakit ganon. Basta ganon lang siya. Hindi ko alam. Mahal ko siya. At mahal ko siya, hindi ko alam kung bakit? Kaya nga kahit hindi kami nagkikita hindi nagbabago yung pagmamahal ko sa kanya. Kasi love nga eh. It hopes, it believes, it trusts, it endures, it waits. Maybe he doesn't know how he makes me happy every day in my life.

Hay nako Reinnier Sanchez. Ang pag-ibig nga naman! Ano't ano pa man eh, ikaw talaga ang sinisigaw ng puso ko. :)))))))))))))) Hindi ka lang madrama. Hindi mo ma feel yung gusto ko sana nafefeel mo sa mga sinasabi ko. Pero hayaan mo na.

BAKIT BA KO NAKIPAG BREAK?

Kasi UNREASONABLE. Ayoko nalang. Hahaha! Hindi ko kasi maipaliwanag eh. Siguro, gusto ko lang ng break. Yun lang. Medyo kasi hindi ko na siya nararamdaman. Pwede na ba yun? Parang nakukulangan ako sa kanya. Ganun. Pero no doubt, I love him.

Ironic eh? Mas mahal ko siya, pero ako lagi yung nakikipag break.

MAS MAHAL? Hindi nga pala ganun yun. Walang mas o higit na nagmamahal sa isang relasyon. Magkaiba lang kayo ng paraan ng pagmamahal. <-- Very well expressed. Source: You changed my life <)

It's June 6 - 1:15AM -> I reread this. And wow. Hahaha! I CAN’T IMAGINE HOW LOVE CHANGED ME. THE WAY I THINK, THE WAY I REASON OUT, THE WAY I ACT AND THE WAY I PERCEIVE THINGS. IT MADE ME BECOME A BETTER PERSON. AND I THINK I'VE REALLY GROWN-UP (not literally)! :))

Anyway, Sa tingin mo gano katagal tumagal yang break na sinabi ko? Isang araw.:| First of all, hindi ako papansin at nakipag break dahil gusto ko ng thrill! I came up with that decision dahil feeling ko kailangan ko. At kailangan ko naman talaga but one day break was enough. That's why it is called BREAK!! I think it's different from a BREAK-UP? And I didn't say BREAK with the UP! Wait, (scrolls up) Sorry I said it pala. Uh. Do I make sense? I don't care. :)) And I'm not so sure. Basta we love each other. END OF STORY! Dramas are allowed :|

BABY

Sunday, May 23, 2010

1:03 AM


Baby! I love you. And I am literally CRAZY about you. I've been saving pictures from your profile, cropping it and making it as my wallpaper, setting it as "tile" para marami. 1:07 na bebe. Hindi pa ako makakatulog nito. Kung pwede lang sanang 24/7 tayo. Imposible naman yun, diba? Kelan pa ako huling gumawa ng ganito na para sayo? Medyo matagal na din. Bata pa yata ako nun. Eh, wala lang. Gusto lang kitang kausapin.

May 29? 1:42.. hulaan mo? AM PM? Alam na.

Hay nako, hindi na yata kita mahal. Ngayong gabi na naman. Feeling ko nagsasawa na ko sa ganun. Sa hindi tayo ano.. Ano ba? Ewan. Nakakainis lang kasi, parang iba ka kapag talaga iba na yung kasama mo. Medyo naiinitindihan ko naman kaso lang ayoko ng ganun. Oo, naiintindihan ko nga. Pero iba ang gusto ko. Gusto ko, yung parang wala lang. Yung kahit sa kaninong tao tayo nakaharap, ganun padin tayo. Ay hindi. Hindi pala, sorry. Joke lang! Hindi ko na alam eh? I just think we're.. Dull. Today? No. ALL I WANT IS FOR US TO BE US. NO MATTER WHAT HAPPENS. I WANT TO BE JUST LIKE WHAT WE ARE WHEN WE TWO ARE ALONE TOGETHER, WHEN WE ARE WITH SOMEBODY ELSE, PARTICULARLY OUR FRIENDS. I THINK THAT'S OUR PROBLEM. IT'S NOT YOU ONLY. IT'S ALSO ME. K. GOODNIGHT, I really do think and believe that I LOVE YOU thought can't feel it tonight. Or at least I feel I don't love you anymore.. OH MY GOSH. that's our pussies I hear! KUMA, TOTOY, RANJ AND MUNING. TSSSSK.

ANY THNG UNDR THE SUN

Wednesday, May 19, 2010

9:01 PM


I just realized I want to write, freely. What would I say when I read this after five years??

Bata palang ako mahilig na 'kong magdiary! At good thing naitago ko silang lahat. Magmula sa mga notebooks na yun simula nung elementary, hanggang sa desktop computer namin sa MS Word, hanggang sa laptop na 'to sa OneNote. Siguro, mahilig nga talaga akong magsulat. Ewan ko kung matatawag kong kahiligan yun sa pagsusulat. Baka kasi pinipilit ko na naman! Hahaha! Ayokong magkunwari naman sa sarili ko. Pero sa tingin ko, siguro, pwede.. Kahiligan sa pagsulat at kahiligan sa pag sheshare ng mga nasa isip ko. Eh bakit kelangan sa mga bagay ko ilagay o sabihin yung mga nasa isip ko? Bakit, wala ba akong kaibigan?? Hahahaha! Hindi naman siguro sa ganon. Sige nga! Ikaw nga, sabihin mo lahat ng naiisip mo sa kaibigan mong tao, kung di ba naman siya mairita sayo at baka matawag ka pang freak! (Time first! Nainis kasi ako kay Patrick, PBB Teen 2010! Lumalandi sa loob, eh may girlfriend!) Hindi ko lang alam kung bakit sa mga simpleng bagay na naiisip ko, o pag pakiramdam ko may naiisip akong kakaiba, feel na feel kong magsulat/magshare. Siguro kasi din, mahilig akong mag reminisce! Hahahaha! Basta! Madami akong gustong sabihin! Madami sinasabi yung isip ko sa sarili ko. At sa tingin ko, naoorganize ko lahat ng naiisip ko na yun sa pamamagitan ng pagsulat. Katulad nito. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nagbukas ng laptop at nagsulat bigla.. At habang sinusulat ko yung mga nasa isip ko, padami ng padami at palawak pa ng palawak yung mga pumapasok sa isip ko na related din sa mga naiisip ko. Hahaha! Siguro mind is great. That explains it. Siguro ganito kagaling ang isip ng tao, NAKAKA AMAZE! Ang daming alam! Eh, mas magaling naman Yung may gawa ng isip. Gaano pa Siya kagaling? Walang makaka imagine. WALA!

COCOMARTIN AND ALBERTMARTINEZ, PAGSUSULAT, DIARIES OF OLD MEMORIES (who WAS Joanne?) AND SOME OTHER STORIES THAT WILL COME OUT WITH THESE… :)))

Ang hirap mag organize ng thoughts! Hahahaha! Sorrry. I really, really, really want to write about the topics above! I want to see what's my say with those.. Kasi interesting at… I don't know? I just want to say what's my say.

CocoMartin and AlbertMartinez! Sorry ah. Crush ko sila. I know right?? Matanda na si Albert Martinez at hindi naman ganun kagwapo si Coco Martin. Pero gusto ko sila! EEEEHHHHH! Nanonood kasi ako (kanina, kasi Rubi na ngayon) ng ano ba yun.. Kung tayo'y magkakalayo? Eh main casts dun silang dalawa tapos mag ama pa sila tapos… aaaaahhhh! Hahahahaha! Ewan ko ba. Ganun ang type kong lalaki, feeling ko. Haha! Attracted ako sa mga "suplado type" na lalaki. And yung, parang pa bad boy ganun. Eewwee Nakokornihan ako sa mga pinagsasabi ko! Hahaha! I don't know how to describe eeeh. Basta, mga ganung tipo. Pero hindi rin eh kasi minsan iba iba rin. Hahaha! Ang dami kong crush pero kaya nga crush. There's just certain thing about him that you like. Katulad ni Chito Miranda. Crush ko siya kasi gusto ko siyang kumanta. Marami pa kong mga ganun. Yung tipong pang isang araw lang na crush. Kaya nga kasi crush diba? Sa totoo lang, si Coco Martin, hindi ko lang siya like, gusto ko siya! Hahaha! Hindi ko alam kung bakit. Pero si bebe ko, hindi ko siya crush. Wala akong gusto sa kanya, pero mahal ko siya. Mahal na mahal. Minsan, crush ko din siya, syempre, attracted din ako sakanya. At may mga times na super gustong gusto ko siya! Pero may isang hindi nagbabago sa araw-araw, MAHAL KO SIYA kahit kapag nagaaway kami at inis na inis ako sakanya, kahit minsan may mga bagay na ayoko sa kanya. Siguro yun

na nga ang tinatawag na unconditional love.

Actually, wala talaga akong ganang mag sulat/type ngayon. Nagpapaantok lang. Kasi tinuloy ko lang 'to. May21 na ngayon at birthday ni Egy. Hindi ako pumunta. Kasi sigurado namang hindi ako papayagan. Hello? Pampanga, overnight.

Dahil nga ibang araw na ngayon, medyo naiba narin yung interes ko sa mga topic na gusto kong isulat para mabasa ko mismo kung anong mga naiisip ko. Sa ngayon, ang nasa isip ko, "I REALLY LOVE TO PERFORM" nanood kasi ako ng PBB kanina at nag perform yung dalawang magka-clash na grupo. Namiss ko tuloy mag perform. Like, play, theater.. Feeling ko kasi sa sarili ko talented ako. At sa tinign ko hindi ko pinipilit lang na talented ako. Eh bat ko naman pipilitin, edi niloko ko ang sarili ko dahil wala namang ibang makakabasa nito kundi ako. Bakit ko pa yayabangan ang sarili ko diba? Haha! Yun nga. Hindi naman sa talagang talented as in maraming alam gawin ng MAHUSAY. Hindi naman sa ganon kahusay. Sa tingin ko lang, marami akong kaya. Almost, kahit ano. Ewan ko ba. O siguro nagagawa ko dahil gusto ko yung ganon. Iba kasi talaga kapag mahal mo yung ginagawa mo. O ayan! May naiisip na naman akong hindi masyadong maganda. Alam mo na. May kinalaman syempre sa kursong journalism. Alam mo, mahilig naman talaga akong magsulat eh, obvious ba. Pero sabi ko nga sayo,, anu ba yan! Ayoko na ngang problemahin. Tama na nga eh. Okay na 'to.

Iba na 'tong topic na 'to. Tungkol naman sa klase ng pagsusulat ko, then and now. Actually, hindi naman talaga ibang topic. Syempre, lahat 'to magkakadugtong. Nabubuhayan na ulit kasi yung isip ko, dumadaldal na naman. Napaka raming gustong sabihin. Feeling niya eh, kaya kong irecord lahat dito lahat ng sinsabi niya. Anyway, bakasyon ngayon. At alam mo ba, halos 4 na ng umaga ako lagi nakakatulog. Katulad ngayon, 12:10 am palang, hindi pa ko inaantok kaya nag-iisip ako ng pwede kong gawing libangan para may magawa naman. At napili ko ngang magsulat. Pero hindi araw-araw. Ngayon lang. Minsan at kadalasan, inuubos ko ang oras sa pag-iisip at pag iimagine. Alam mo, kung ibang tao ako, makacrushan ko yung sarili ko. Ayy? Parang off topic naman yung sinabi ko. At yun nga! Kasi nitong mga nakaraang araw, nahihilig ako sa pagkakalikot ng mga lumang bagay na naitago ko pa. Kasi ang sarap nga naman mag reminisce. Eh, nakita ko yung mga notebooks ko na diary ko dati. Pari rin yung ilang sinulat ko sa MS Word 2003 sa computer namin tska yung most recent na OLD notebook nadin na mga sms memories naman pero hindi kasi yun diary. Parang kung kelan ko lang maisipan katulad nito tska different topics din. Pero halos lahat tungkol sa bebe ko. Nakakadala yung nung nagbreak kami. Makikita mo talaga yung sincerity sa mga sinusulat ko nun. May puso kahit pa medyo nakakairita yung style ng pagsulat. Simula kasi nung nadiscover ko 'to, hindi na ko nagsusulat sa notebook. Kung ano anong tapic yung parang naging theme nitong digital notebook ko. Wala ng personal experiences. Kaya nung nabasa ko yun, naisip kong gumawa ng parang anything under the sun.. Basta yung totoo lang. Yung natural lang. Walang arte o kung anu man. Yung diretso galing sa isip. Kaya nga Tagalog. Hindi ko naman sinasabi na plastik yung iba kong sinulat dito. Syempre with feelings din yun. Hindi ko naman maisusulat kung walang damdamin at hindi galing sa puso. Sa tingin ko lang, better yung ganito. Pero hindi ko din maicocompare kasi magkaiba naman yung scope. Siguro lang, dapat hindi ko alisin yung ganitong style. Hindi porket nag level up na, (you know what I mean) eh iiwan na yung nakagisnang gawi. Yun lang naman. At isa pa, mas masarap magkwento kapag natural yung pagkakagamit ng mga salita. Tignan mo nga, mas mahaba ang mga nagagawa ko pag Tagalog. Syempre, Pilipino ako. At grabe ha! Inlove na inlove na ako sa pagiging Pilipino. At sa tingin ko rin, mas tumalino talaga ako ngayon (literally. Information). Sobrang daming natutunan. Thanks to UST, AB!! I belong. :)

YUN. SA TINGIN KO, WALA NA KONG MAIDUDUGTONG PA. I SCROLLED UP AND LOOKED IF I MISSED SOMETHING. Dun sa mga topics sa taas. Kasi after that smiley, tapos na eh. Parang na satisfy na ako. Yun nga! Okay na lahat ng gusto ko sabihin. I THINK I'VE SAID IT ALL. GOODNIGHT! :-*

Ang Ating Istorya: The Writer's Cut

Tuesday, May 04, 2010

11:39 PM


UNA SA LAHAT, HINDI ITO MADRAMA.

"II-MAHOGANY" ANG SABI NG PUTING PAPEL NA NAKA PASKIL SA GYM NG SOUTHERNSIDE MONTESSORI SCHOOL BAGO MAG PASUKAN NOONG YEAR 2005.

II-MAHOGANY AKO.

FIRST TIME KONG MAG TRANSFER NG ESKWELAHAN. AT MASAMA PA ANG LOOB KO DAHIL KUNG HINDI DAHIL SA BAGONG PATAKARAN NA PINATUPAD NG ESKWELAHANG PINANGGALINGAN KO, HINDI SANA AKO KINAKABAHAN SA UNANG ARAW KO SA 2ND YEAR.

PUMASOK AKO SA ROOM 301 NG MT. APO BUILDING. PAG PASOK KO, GUSTO KO NG LUMABAS, UMUWI AT UMIYAK. BAGONG BAGO ANG LAHAT SA AKIN. MASAYANG MASAYA YUNG IBA KONG MGA KAKLASE LALO NA YUNG GRUPO NG MGA LALAKI DOON NA SOBRANG GULO. AT AKO, :l

WALA AKONG KAALAM-ALAM NA SA KLASENG 'YON KO PALA MAKILALA ANG LALAKING PAPAKASALAN KO…….

JUNE 15, 2005

~ Naka blue na t-shirt ka non at naka UNIFORM ako. Sa totoo lang, ang angas ng dating mo! Ang gulo gulo niyo nila Archie at Alon. Parang kayo lang ang mga tao sa room! Edi kayo na ngang sikat. Naririnig ko pa na parang nagpapayabangan kayo ng bag. HAHAHAHAHA. Natakot pa nga ako nung lumapit si Alon tapos hinihingi yung number ko. At Binigay ko naman. Nakakahiya namang magmaganda eh. HAHAHAHA.

~ Hindi ko gusto ang ugali mo non. Dahil hindi pa nga kita kilala. Ang alam ko lang sayo, papansin, magulo, mayabang at walang alam. PERO NAGKAMALI AKO. Magaling ka pala at paborito ka ng mga teachers lalo na sa MATH!!!!!!! Alam mo ba yung kay maam Bucalbos? Team game yun tapos kayo yung nanalo kasi sagot ka ng sagot. Tapos nainis ako sayo kasi parang nagagalingan mo ako! Eh nainis pa naman ako nung nag class officer election at IKAW ANG NAGING VICE PRESIDENT AT AKO, SECRETARY LANG.

~ Lumipas ang mga araw, at MAY NAGTEXT!!!! "Pwede ba kitang ligawan!?" by unknown number. At talagang "!?" ganyan ang punctuation marks! Hindi ko alam kung bakit pero nagload pa ako non para itanong kung sino! HAHAHAHAHAHA tapos sabi mo si Reinnier Sanchez. Hindi ako naniwala.

~ Hindi talaga tayo close non at hindi tayo nag uusap. Pero bago mag flag ceremony nung kinaumagahan pag tapos ko nabasa yung text na yunnilapitan kita at tinanong. "Uy, ikaw ba yung nagtext kagabi?" Parang ayaw mo ng magsalita AT NATATAWA AKO NGAYON HABANG NAALALA KO!!! HAHAHAHA tapos ayun nga. Sabi mo, oo tapos umalis ka na agad , dahil ibang klase kang manligaw. Bawal magsalita. HAHAHAHA

~ May mga nagsasabi pa sakin non na wag kitang sasagutin dahil lolokohin mo lang ako. At buti nalang hindi ako naniwala! HAHAHAHA

~ Lumipas ang mga araw at palagi kang nagpapadala ng mga love quotes at tumatawag sa telepono para tanungin lang kung anong ginagawa ko! Tapos binababa mo na agad. TSSSSSSK. Pano ba naman ako maiinlove sayo niyan??

~ Pag high school, uso yung pagtatanong ng "ano? Seryoso ka ba talaga sakin?" HAHAHAHA! At syempre, oo ang isinasagot mo kapag tinatanong kita ng ganyan.

~ Birthday mo na bukas! Naririnig ko nag-aaya ka ng mga kaibigan mo. Punta daw sila sa bahay niyo. Sabi mo sakin, wag akong mawawala sa birthday mo.

~ August 17, 2005. Wala talaga akong kabalak balak na pumunta sa birthday mo kasi ma O.O.P lang ako dun. Uwian na nun. Tatakasan dapat kita kaya lang nakita mo ako. Dahil nahihiya ka sakin, mga kaibigan mo ang nakapag pa "oo" sakin na sumama. Nakakahiyang tumanggi. Wala na akong nagawa. Salamat sa mga kaibigan mong sina Rig, Vitto, Alon, Archie at Mico.

~ NASA TRICYCLE TAYO PAPUNTA SA INYO. NAHIHIYA AKO SAYO KASI FIRST TIME NATING MAGTABI. At ngayon lang ako kinilig habang inaalala ko! Hahahaha! AT YUN NGA, MAY TINANONG KA SAKIN. HABANG TINATANONG MO, BIGLANG UMULAN AT PABABA YUNG TRICYCLE. SO, MAINGAY. ANG SABI MO PALA, "pwede na ba kitang maging girlfriend?" ANG RINIG KO… "pwede ba kitang maging ring BERER" HAHAHAHA sabi ko tuloy. "EWAN KO." HAHAHA sorrryyyyyyy naaaaa…. :)))))))

~ Nasa bahay niyo na tayo. Nagulat ako dahil kilala na ako ng pamilya mo. NGAYON LANG DIN AKO NATOUCH HABANG NAAALALA KO. Pero siguro hindi yun ka touch touch dahil sadyang madaldal ka lang talaga at panay ka kwento. So, ayun kumain tayo. Tapos hindi ako uminom kasi HINDI MO KO NABIGYAN NG BASO! AT NAHIHIYA AKONG MAGSABE! Ito siguro ang hindi mo pa alam. Hahahaha!

~ Tapos na ang kainan at nasa terrace tayo. May tugtog, Crazy For You by Sponge Cola! Na theme song natin kamo! HAHAHAHAHA! Pinipilit nila akong pasagutin na non pero ayoko pa talagang magka boyfriend. Pero nahihiya ako sayo! Nagsisi tuloy ako kung bakit pinaabot ko pa sa ganon kung di naman kita sasagutin. Pero nangari yun. At siguro, dapat talagang mangyari. Hindi ko din alam kung bakit sa mga lalaking nagkagusto sakin non, YEEEESSSSSSSSSS!!!! Ikaw lang ang binigyan ko ng pansin. Siguro noon palang, kahit hindi pa kita gusto, alam na ng puso ko na mamahalin kita. :)

PAG TAPOS NON, ITO NA TAYO. HINDI KO ALAM KUNG BAKIT PARANG ANG BILIS. HINDI KO NAMALAYAN. LIMANG TAON NA PALA ANG LUMIPAS. AT SA LIMANG TAON NA YUN, MARAMING PAGBABAGONG NANGYARI SA BUHAY KO. MARAMI NA TAYONG PINAG DAANAN AT KARAMIHAN SA MGA 'YON AY HINDI SIMPLE LANG. PERO DAHIL TOTOO ANG PAGMAMAHAL NATIN SA ISA'T-ISA, NALAMPASAN NATIN LAHAT YUN. ALAM KO MGA BATA PA TAYO AT MARAMI PANG PROBLEMANG DARATING, SABI MO NGA. PERO DAHIL SA'YO, NAPATUNAYAN KO NA ANG PAG-IBIG AY TUNAY NA DAKILA. MASASABI KONG TUMANDA NA AKO. HINDI LANG DAHIL SA MGA TAONG LUMIPAS KUNDI DAHIL DIN SA MGA ARAL NA TINURO SA 'KIN NG BUHAY NUNG DUMATING KA. MASAYANG MA-INLOVE PERO HINDI MADALI. LALO NA KAPAG UNCONDITIONAL LOVE NA ITO. MARAMING BESES KANG KAILANGAN MAG SAKRIPISYO. PIPILITIN MONG INTINDIHIN ANG MGA BAGAY NA MINSAN SADYANG MAHIRAP INTINDIHIN, MARAMING BESES NA KAILANGAN MONG MAGPAKABABA AT PAMINSAN MINSAN, GAGAWIN KA NITONG TANGA. PERO SA BANDANG HULI, HINDI KA MAGSISISI DAHIL MAREREALIZE MONG, IKAW ANG PANALO DAHIL IKAW ANG NATUTO.

OO, MAGKAIBA TAYO. HINDI TAYO NAGKAKASUNDO SA MARAMING BAGAY. PERO MAY ISANG BAGAY NA SIGURADO, MAHAL NATIN ANG ISA'T ISA. AT SA TINGIN KO, SAPAT NA YUN PARA SA HABANG BUHAY. SA DAMI NG PINAGSAMAHAN NATIN, SA LAHAT NG MASASAYA AT MALULUNGKOT NA ARAW, NI ISANG PANGYAYARI SA BUHAY KO SIMULA NUNG NAKILALA KITA, WALA AKONG PINAGSISIHAN. MARAMING MGA BAGAY NA ANG SUMUBOK SA PAGMAMAHALAN NATIN, PERO NANATILI PARIN TAYONG MAGKAHAWAK KAMAY.

Nung una, hindi ko na talaga inasahan na mag wowork ang relasyon natin dahil una sa lahat, hindi kita kaibigan. Pero masyadong mahiwaga ang buhay. Ang totoo lang naman sa mundo ay, hindi natin alam kung ano ang mangyayari mamaya. Ngayon, masaya ako dahil ang boyfriend ko ay yung pinaka malapit na tao sa buhay ko. At napaka swerte ko dahil sayo ako ibinigay ni Lord. Ayoko ng isa isahin kung bakit dahil baka mag feeling ka nanaman. Pero seryoso, gusto kong malaman mo, maswerte ako sayo. At siguro alam mo na yun. PERO GUSTO KONG MALAMAN MO DIN NA MAS MASWERTE KA PADIN SAKEN KAHIT KUMAIN KA PA NG SAMPUNG PRITONG PALAKA.

Hindi na mahalaga kung ano pang sasabihin ng iba. MASAYA TAYO AT WALA NG IBA. Ang mahalaga, kilala natin ang isa't isa at mahal kita. Mahaba pa ang itatakbo ng panahon. Kung ikukumpara mo ang limang taon sa habang buhay, wala pa yun sa tuldok. Kaya sa totoo lang, hindi pa tayo matagal kung ang goal natin ay yung habang buhay. Pero wala naman tayong alam. Hindi natin alam kung mag sstraight forever na tayo o baka sa susunod na buwan, magbreak na tayo. Kung hindi man tayo para sa isa't-isa, wala akong pakialam. Basta ang alam ko, totoo tayo. At hindi tayo nangyari para mangyari lang. Nangyari tayo dahil dapat. :))At kung hindi man tayo ang magkatuluyan, tatlo ang sigurado, invited ka sa kasal ko at ninong ka ng lahat ng anak ko at kabit kita.

~ Dito na nagtatapos. Walang ending. Dahil ang love story natin, wala talagang ending! :))))

Ayoko ng magsulat dahil distracted na ang flow of ideas ko. HAHAHAHAHAHA

SA TOTOO LANG, HINDI KO ALAM KUNG BAKIT KO GINAWA 'TO. HAHAHA. ALAM KONG ALAM MO NA 'TO LAHAT PERO GUSTO KO MAY KOPYA AKO PARA PAG TANDA NATIN, IPAPABASA NATIN SA MGA APO NATIN. HAHAHAHA. AT SA TOTOO LANG DIN, GINAWA KO LANG 'TO PARA ANTUKIN AT NGAYONG INAANTOK NA KO, ITITIGIL KO NA. HAHAHAHA! HULAAN KO, HINDI MO TALAGA LAHAT 'TO BINASA. OSIGE NA. GOODNIGHT. I LOVE YOU. KIIIIIIIIISSSSSSSSSSSS :-*

TIME ENDED: 1:49AM

It's Complicated

Thursday, April 22, 2010

10:57 PM


April 20 of this year, 10:54 pm, we broke up for no reason. If ever there is, it is complicated. I love him and he loves me. That is no news. That is more likely to be part of the history already. Me and him.

Today is April 27. And I'm really, really confused. I just texted him to say that I love him but I'm not in love anymore. So crazy! Last April 20, we broke up. That's what it said above. But the reason "why" can’t reach my mind. I just agreed on what he wants. He needs space. He said it. Yes. And I couldn't believe I was hearing that from him though the way he said it seemed like it's not a serious matter. But now I understand what he was talking about. It's about the feelings. It's not that we don't love each other anymore. We do. In fact, we do love each other very much. This feeling is so complicated. It confuses me badly!

Ooooooh I finally got the word to describe what I think we BOTH feel for each other. 'coz it's really complicated when I say we love each other but we don't. Nobody will get if I say that. So I think the most appropriate is that, WE FELL OUT OF LOVE BUT WE CARE ABOUT EACH OTHER VERY MUCH! With that, I can start to explain what I feel.

Okay. So, ………………………….. I cant finish this tonight because the flow of my thoughts was interrupted! ('coz I read some of my entries here in OneNote!) So, Maybe I'll continue this tomorrow? If I still feel the same. Lol. Feelings vary all the time!

Today is April 28. And all that I said on here is nothing but a BIG DRAMA! Hahahaha! Nothing's complicated. I love him. He loves me. And it will never change. END OF STORY. Haha! I'm just confused last night. I told you. Feelings vary all the time. But most often that not, what you really feel stands up and wins. :)) There it goes… Our strong love bagged it all.

Maybe the reason why I didn't get to finish this last night was because, everything on here doesn't just make sense and I don't have to prolong the issue because it's not real anyway.

BABY, FORGET WHAT I SAID. I LOVE YOU AND THAT IS THE TRUEST THING THAT YOU SHOULD PUT IN MIND ALWAYS :)