Tuesday, October 25, 2011

ASKALS

Monday, October 17, 2011
11:45 PM

Is it still our monthsary? Time check, 11:45pm. Yes! It is still our 74th month! Filipinos were so in love that they created that monthsary thinggy. Sorry English dictionary (may underline kasing red yung word na monthsary)! Anyway, wala kasi akong magawa. Hindi pa ako makatulog. I have an early appointment tomorrow and I wish mapuntahan ko nga 'yan. It's the Duty. For OSA. For scholarship. For the tuition discount. For the future. Chos! By duty I mean, duty literally okay? Like you're gonna spend eight hours at the office assisting students who have many questions in life!

So, yun nga. Nagpapaantok ako. Tama ka dyan! Wala akong magawa because I'm so poor I don't have an internet connection. Chos! Tinatamad akong magbukas ng internet at nakakatamad nading maginternet at napakatamad ko!

Haaay wala namang kwenta mga pinagsasabi ko eh.

Sana okay lang naman si tatay Tong. Bukas pa siya papainjection ng anti rabies. Nakagat kasi siya ni ever clumsy buuuydog. Nainjectionan nadin naman si buuuydog ng anti rabies last summer? Yah? Oo. Pero syempre, kahit he's not asong gala and he's not an askal, he's still an animal. Teka ano bang problema sa mga askal? Porket askal may rabies yung hindi askal wala?? Parang unfair naman 'yon! Alam kong lahat ng animals pwedeng may rabies regardless of how expensive they are pero nakakainis lang yung idea ng mga ibang Pilipino na askal na ang pinakamasamang aso sa mundo! Duh. Bakit kapag naman dinala sa America ang askal diba imported na siya? At bakit sinasabing ang askal walang breed?? E askal nga yung breed niya! Pilipino siya. Diba nga dapat sila pa yung inaalagaan ng mga Pinoy? Bakit sila bumibili ng asong pagkamahal mahal tapos ituturing na parang baby bago yung mga askal hinahayaang magpalaboy laboy sa daan na kahit ipamigay mo, nagdadalawang isip pa kung tatanggapin o hindi. Bakit ba ganun?? Baka kaya tayo hindi umuunlad kasi ganun tayo magisip. Tama nga yung sinabi ni sir Eros (prof ko sa Filipino Journalism, sumulat ng Ligo na u, Lapit na me na now showing in theatres near you) yung iba mas itinuturing pang tao yung hayop. Minsan hindi na makatao. Tignan mo, yung iba tinitipid yung mga kasambahay nila, minsan mas masarap at mas mahal pa yung pagkain ng aso sa pagkain ng maid. Hindi naman ako against sa pagaalaga ng hayop. I love animals! I really do. Medyo nakakalungkot lang nga kasi yung mga askals. Ayan naalala ko na naman sila. Kasi tignan mo, sa lansangan, yung mga asong palaboy na sobrang payat na na nakikipagpatintero sa mga sasakyan sa daan na mga asong pinoy sila pa yung hindi pinapansin sa sarili nilang bansa… Bakit????? Ha??????? Kasi mas cute yung mga imported? Cool ka pag maganda aso mo? Dahil maganda sila? Yun ba ang basehan?? Hindi ba kaya tayo may pets kasi pet lovers tayo? Pet lovers, kala ko ba? Eh bakit may basis? Sa pagkakaalam ko ang love walang basis. Pero bakit kailangan imported? Bakit hindi pwedeng askal?

Wala lang. Hindi ko naman sinasabing hindi pet lovers yung mga may alagang magandang aso. Pero once na yung may alagang magandang aso ay minaliit ang may alagang askal, walang pakialam sa mga askal, hindi handang magalaga ng mga askal katulad ng pagaalaga sa mga asong china at kung anu-ano pa at tinignan ang mga asong askal bilang pinakamababang uri at pinakamasamang lahi ng aso sa mundo, dapat siyang kagatin ng alaga niyang aso. Hindi siya pet lover. Isa lang siyang imported pet lover!

That's all, thank you.

No comments:

Post a Comment