Tuesday, October 25, 2011

ASKALS

Monday, October 17, 2011
11:45 PM

Is it still our monthsary? Time check, 11:45pm. Yes! It is still our 74th month! Filipinos were so in love that they created that monthsary thinggy. Sorry English dictionary (may underline kasing red yung word na monthsary)! Anyway, wala kasi akong magawa. Hindi pa ako makatulog. I have an early appointment tomorrow and I wish mapuntahan ko nga 'yan. It's the Duty. For OSA. For scholarship. For the tuition discount. For the future. Chos! By duty I mean, duty literally okay? Like you're gonna spend eight hours at the office assisting students who have many questions in life!

So, yun nga. Nagpapaantok ako. Tama ka dyan! Wala akong magawa because I'm so poor I don't have an internet connection. Chos! Tinatamad akong magbukas ng internet at nakakatamad nading maginternet at napakatamad ko!

Haaay wala namang kwenta mga pinagsasabi ko eh.

Sana okay lang naman si tatay Tong. Bukas pa siya papainjection ng anti rabies. Nakagat kasi siya ni ever clumsy buuuydog. Nainjectionan nadin naman si buuuydog ng anti rabies last summer? Yah? Oo. Pero syempre, kahit he's not asong gala and he's not an askal, he's still an animal. Teka ano bang problema sa mga askal? Porket askal may rabies yung hindi askal wala?? Parang unfair naman 'yon! Alam kong lahat ng animals pwedeng may rabies regardless of how expensive they are pero nakakainis lang yung idea ng mga ibang Pilipino na askal na ang pinakamasamang aso sa mundo! Duh. Bakit kapag naman dinala sa America ang askal diba imported na siya? At bakit sinasabing ang askal walang breed?? E askal nga yung breed niya! Pilipino siya. Diba nga dapat sila pa yung inaalagaan ng mga Pinoy? Bakit sila bumibili ng asong pagkamahal mahal tapos ituturing na parang baby bago yung mga askal hinahayaang magpalaboy laboy sa daan na kahit ipamigay mo, nagdadalawang isip pa kung tatanggapin o hindi. Bakit ba ganun?? Baka kaya tayo hindi umuunlad kasi ganun tayo magisip. Tama nga yung sinabi ni sir Eros (prof ko sa Filipino Journalism, sumulat ng Ligo na u, Lapit na me na now showing in theatres near you) yung iba mas itinuturing pang tao yung hayop. Minsan hindi na makatao. Tignan mo, yung iba tinitipid yung mga kasambahay nila, minsan mas masarap at mas mahal pa yung pagkain ng aso sa pagkain ng maid. Hindi naman ako against sa pagaalaga ng hayop. I love animals! I really do. Medyo nakakalungkot lang nga kasi yung mga askals. Ayan naalala ko na naman sila. Kasi tignan mo, sa lansangan, yung mga asong palaboy na sobrang payat na na nakikipagpatintero sa mga sasakyan sa daan na mga asong pinoy sila pa yung hindi pinapansin sa sarili nilang bansa… Bakit????? Ha??????? Kasi mas cute yung mga imported? Cool ka pag maganda aso mo? Dahil maganda sila? Yun ba ang basehan?? Hindi ba kaya tayo may pets kasi pet lovers tayo? Pet lovers, kala ko ba? Eh bakit may basis? Sa pagkakaalam ko ang love walang basis. Pero bakit kailangan imported? Bakit hindi pwedeng askal?

Wala lang. Hindi ko naman sinasabing hindi pet lovers yung mga may alagang magandang aso. Pero once na yung may alagang magandang aso ay minaliit ang may alagang askal, walang pakialam sa mga askal, hindi handang magalaga ng mga askal katulad ng pagaalaga sa mga asong china at kung anu-ano pa at tinignan ang mga asong askal bilang pinakamababang uri at pinakamasamang lahi ng aso sa mundo, dapat siyang kagatin ng alaga niyang aso. Hindi siya pet lover. Isa lang siyang imported pet lover!

That's all, thank you.

WOW

Sunday, April 17, 2011
1:31 AM

Wow ah. Binasa ko yung mga dating pinagsusulat ko pa sa computer namin nung bata pa ko. Hahahaha! Hinde, mga 5 years ago lang naman. Mga entries tungkol sa pag-ibig. Anak ng pating eh sabi ako ng sabi na hindi ako pang journ pero grade five palang may journal na ako at nagsusulat na ako ng mga kwento sa iba't ibang genre. OH ANYWAY, nagbasa nga ako. Yung iba ang korni, yung iba may puso. Pero lahat tungkol sa boyfriend ko hahahaha natatawa ako parang patay na patay ako sa kanya nun. Hindi naman patay na patay, parang super inlove ko lang na nagmumurang bayabas ako sa kainlove-an ko sa kanya. Ganun padin ba ako ngayon? Hahaha siguro ganun padin. Pero shet! Hindi naman na tipong ganun na sobrang high school love. Ngayon kasi, yung love namin pwede ng pang magasawa. Hahaha tatagal na pang forever. Hahahaha! Pero ang galing lang din. Wala lang, nakakatuwang basahin mga kabaduyan ko noon. Siguro years from now, matatawa narin ako dito.

Goodnight.

Confirmed. Ganito padin ako kainlove sa kanya. Puyat pag puyat siya o kung hindi, puyat parin kakaisip
sa kanya.


O, SORRY!

PROMISE

Monday, April 11, 2011
2:44 PM

PROMISE HINDI NA AKO TATAMARIN. PROMISE I'LL LOVE MY JOB! PROMISE I'LL WORK INDEPENDENTLY. PROMISE HINDI NA AKO AABSENT. PROMISE SUSUNDIN KO ANG PUSO KO SA PAGDEDECIDE. PROMISE I'LL ALWAYS CONSIDER WHAT MY BRAIN SAYS AS MY HEART SPEAKS. PROMISE I'LL AVOID PROCRASTINATION. PROMISE HINDI KO GAGAWIN ANG MGA BAGAY, BAGAY DAHIL LANG SA PEER PRESSURE.

I PROMISE. HEHEHEHEHEHEHEHEHE

Hahahaha hindi kasi ako pumasok ngayon sa OJT eh. Tinamad lang ako. Hahaha! Yes, nagsayang ako ng 8 hours. Ayokong magiging ganito ako sa totoong buhay kapag nagtratrabaho na kaya kailangan ko itong aksyunan. Tatapusin ko na rin ang articles ko. Alright! I-close na ang iTunes na yan at magstart na ko. Bye!

Day Dream at Night

Sunday, April 10, 2011
1:26 AM

The one thing I love to do every before sleeping, NIGHT DAY DREAMING! Ayokong gumawa ng article. Tinatamad ako. Gan'to ba ang journalist? Hahahaha kung ganito magiging trabaho ko, edi palagi nalang akong tatamarin? Shet. Masyado ko na bang hindi mahal ang major ko? Hahahaha! Love ko ang journ syempre, forever. Anyway, yun nga. Bukas ko nalang gagawin yan, nako! Kung kaya at pwede naman bukas bakit ipagpapasa ngayon? Hahaha may word bang ganun? Okay. Moving on. Alam mo namang ang typical summer vacation ko ay magpaka borlog sa bahay. Matulog ng alas kwatro ng madaling araw at magpuyat sa kung anu-anong maliliit na bagay na pwedeng mapagabalahan tulad ng ipalobat ang laptop sa kakanuod ng movies o kakatingin ng pictures, i-eedit tapos gagawan ng video sa movie maker at hindi tatapusin at buburahin na kinabukasan dahil ang korni pala ng nagawa ko. So yun nga. I just want to say na hindi ito ang typical na summer vacation ko. Kasi nag-aalala ako sa pagpupuyat dahil baka pag nagpuyat ako ngayon tanghali na ako magising bukas tapos matagal na naman ako makatulog kinagabihan at mapuyat kinabukasan ng Monday! Oh Monday. Work day again. Hindi din ito ang typical vacation ko dahil may inaalala akong assignment. Yun ngang article. Pero di naman nakaka stress tska hindi din naman masyadong nakakatamad. Sakto lang. Okay nadin 'to. At least productive ang summer.

Teka waits, parang naging malayo na 'to sa gusto kong tumbuking topic kaya nagbukas ako ng OneNote eh. Sabi ko I'm day dreaming… Ang playlist ko kasi ngayon sa iTunes ay "willmakeyoushiver" hahahahaha! Mga pang jowaers ang kanta. Naisip ko tuloy and aking wedding. Haaaay. Bilang nagsearch din ako kanina ng mga wedding invitations! May maganda na akong idea para dun. Hihihi. Pero ang tagal pa nun dre, hello?! Magpapayaman muna ako.

Anu ba yan. Nawala na yung feelings ko sa pagsusulat. Mema nalang ako ngayon. Bye na nga :)


HEY I HAD MY FIRST PUBLISHED ARTICLE YESTERDAAAAY! :) April 15. and check out for May issue of Women’s Journal! They’re gonna publish my two articles on summer tips and Mother’s Day especial and watch out for more, more articles of Joanne Fuentes to come! Hehehehehehehehehehe

"kung hindi kami ngayon, bakit hindi ko ligawan?"

Tuesday, April 05, 2011
7:21 PM

First day of OJT in Philippine Journalists Inc.? Or Journal Group of Publications? Whatever. Well, first day did not excite me. It's just as simple as working in OSA. Pero siguro dahil din at feel ko dahil talaga kasi wala yung mentor namin kaninang si NICKSEN. He went out for an interview with Mel Tiangco and he chose not to bring us there dahil masungit daw si Mel. Yesss? Anyway, the people there are very warm. They are all very approachable. Parang too good to be true (not to mention Mr. A? Yung nagalit sa'min kanina dahil hindi daw namin ginawa ang first assignment, which was a company profile? Dahil sabi ni sir Mike 'wag daw namin yun pansinin). It's like, not the real world since "sabi nila" harsh daw ang real world and blah, blah…

Gusto kong mag field! Ayoko ng boring na trabaho. I want excitement! I want something that will make me… "Oh yeah c'mon! I want moooore!" haaaay. Okay. I will give this two weeks. I'll wait for a work outside the office. A field work maybe? I chose my beat, advertising, kasi sabi ko hindi naman ako magsusulat for newspaper 'pag graduate ko dahil hindi ko naman masyadong gusto and especially because, walang pera doon. Sabi nila working is a matter of passion. You work not only because of salary but you work because you love that job! TAMA. Isang malaking tama para dyan! At napakaswerte ng mga taong tinatrabaho ang trabahong mahal nila. Pero hindi yun ang issue eh. I am willing to accept low pay naman as long as I really love the job. Kaya lang, being a journalist? Hindi masyado eh. May mas gusto pa ako.

Kapag in two weeks at hindi ko pa minahal ang trabaho ko, I will pursue that TV5, whatever it takes. Minsan lang magkaroon ng chance. Why waste it? Kung alam ko naman talaga ang gusto ko bakit hindi ko subukan? Kung baga sa magkarelasyon, kung hindi kami ngayon, bakit hindi ko ligawan? Bakit hindi ko subukang mapalapit? Wala namang imposible eh. 'Di ba?

Yes. I still want that other major over there! Kahit wala naman akong napagaralan about TV prod, Theatre Arts, Advertising and that and that, gusto ko parin parang ganun yung magiging trabaho ko someday.

Well, isa lang ang point ng entry na 'to. Magpapass ako ng resume sa TV5 on Saturday? And I think I'm gonna pursue it kahit sabihin nilang taga timpla ng kape 'pag sa TV? (I mean, sa OJT) Eh liligawan ko nga eh! 'Di ba 'pag mahal mo, you're willing to sacrifice? Hahahahaha. Yeah, I know love.

GOODBYE TAJ MAJAL. HAHAHAHAHA! :)

Hay Journalu. I love you.

KUMA

Tuesday, March 22, 2011
12:34 AM

I know what they do when they go away :(

Masang, Tomas, Totoy, now Kuma. Lahat sila bigla nalang umalis at hindi na bumalik. I know what they do. Die. They are in pain that they want to go away, thinking that they could find a place where they could not feel the pain anymore. They go, go and go…

Hindi pa ako nakakaget over sa mga naunang umalis, tapos si Kuma.

I know, they wait for me before they leave. They leave a thank you message, I know. Before Totoy and Kuma went, I took a photo of them. Tomas, Totoy and Kuma, before they went, I told them I love them just, normally. Aaaaaahhhh.

Things come and go. Accept. I should just be happy that they came into my life and have been part of it.

Sorry, kinailangan kong magsulat. Malungkot ang feeling ko eh. Gusto kong isipin na okay lang blah, blah… pero deep inside, sobrang lungkot eh. Kasi sobrang hirap nung bigla silang nawawala na 'di mo alam kung saan exactly at 'pag narealize mo na hindi na sila babalik, hindi mo na sila makikita at hindi mo na sila mahahaplos………. Awwww naiiyak ako. O.A ba? Kanina pa ko umiiyak eh.

Eh kasi, mahal ko sila. Bakit ba? Mahal ko sila eh. Alam ko din na mahal nila ako, kami. Alam ko.

Nakakalungkot lang. Pero siguro dapat hindi na ko umiiyak. Acceptance nalang. Ganun talaga.

Haaaaay sana ay gumaan na ang pakiramdam ko. I love you Kuma and every one of you! Okay lang. Wherever he is, I know, he is loved and he is happy :) And also Tomas, Totoy and Masang.



April 6

OMG. HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA JOKE LANG 'TO. SHET KUMA, SORRY. NAKAKAHIYA NAMAN. HAHAHAHAHA! THE NEXT DAY AFTER THIS DAY, HE CAME BACK VERY THIN AND VERY DIRTY BUT NOW, HE'S FINE NA AS EVER.

Crush: A Big "IT'S DIFFERENT!"

Tuesday, March 01, 2011
12:48 AM

Ito ang lalaking gusto ko. At ito naman ang lalaking mahal ko.

Fact: In front of the person you like, your heart beats faster but in front of the person you love, you get… simply happy.

'Yun naman pala eh. Ano pa ang dapat pag-usapan? Hahahaha

I'm so lucky I have a very good relationship with my boyfriend (Reinnier Sanchez). Alam mo yung, masasabi mo sa harap niya na may crush ka at seryoso kang kinikilig pero okay lang? Actually, syempre hindi naman okay yun pero alam mo yun, intindido ka niya (may word bang ganyan?). Eh 'pag ba naman ganon, magkaka-crush ka pa ba? Hahahaha! 'Ba yan! Mema naman ako.

Hindi ko na nga crush si _______________ ! Dati lang. HAHAHAHAHAHA

Tinatamad na 'ko magsulat.

Basta I know. I found my soulmate and my destiny. Yes, cheeeeesy oh. But admit it or admit it, WE ARE REALLY FOR EACH OTHER! Hahahahahahahahahahahahahaha nakakainis. Ni Reinnier Sanchez ha. OMG! I love saying his name kahit sa isip ko lang, kinikilig ako. Reinnier Sanchez Reinnier Sanchez reinnier sanchez reinniersanchez reinniersanchez his name and surname go together like joannefuentes joannefuentes. Baliw.

I'm not making sense at all.